7 rebelde sa Mayantoc sumuko
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga

Ni Trixie Joy B. Manalili  -- Pitong rebelde sa bayan ng Mayantoc sa Tarlac ang nagbalik loob sa pamahalaan nitong Lunes at Martes.

 

Inilahad ni Police Regional Director PBGen. Valeriano De Leon na tatlo sa mga sumuko ay mga dating miyembro ng Milisyang Bayan, tatlo ang dating miyembro ng Mesina Command sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya o KLG Tarlac-Zambales o TarZam at isa naman ang dating kaanib sa Milisyang Bayan ng dating KLG Tarlac PCOM at KLG TarZam. 

 

Ipinahayag ni De Leon ang pinag-igting na hakbangin ng kapulisan at kasundaluhan na siyang nagbigay-daan sa pagsuko ng mga naturang rebelde. 

 

Kabilang dito, ang situation interview at pamamahagi ng impormasyon ukol sa mga programa at oportunidad ng pamahalaan para mga rebeldeng nais magbago at magbalik-loob. 

 

Dagdag ni De Leon, patuloy na makakapit-bisig ang mga kapulisan at mga miyembro ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict 3 sa pagpapatupad ng whole-of-sector approach tungo sa kapayapaan at pagkakaisa. (CLJD/TJBM-PIA 3) 

 

YOUR REACTION?

Facebook Conversations



Disqus Conversations